Kapag binibigkas sa mga tagatambal na tagapasinungaling na ito ang mga tanda Naming ibinaba sa sugo Namin nang maliwanag na walang pagkalito sa mga ito ay nagsasabi sila: "Walang iba ang lalaking ito na naghatid sa mga ito kundi isang lalaking nagnanais na magpalihis sa inyo palayo sa taglay noon ng mga ninuno ninyo." Nagsabi pa sila: "Walang iba ang Qur'ān na ito kundi kasinungalingang nilikha-likha niya laban kay Allāh." Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh sa Qur'ān noong dumating ito sa kanila mula sa ganang kay Allāh: "Walang iba ito kundi isang panggagaway na maliwanag dahil sa pagpapahiwalay nito sa lalaki at maybahay niya, at sa anak at ama niya.


الصفحة التالية
Icon