Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagatambal na ito: "Nagpapahiwatig lamang ako sa inyo at nagpapayo lamang ako sa inyo ng iisang katangian: na tumayo kayo habang mga naaalisan ng pithaya para kay Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - nang dala-dalawa at mga namumukod. Pagkatapos ay mag-isip-isip kayo sa pamumuhay ng kasamahan ninyo at sa anumang nalaman ninyo sa pag-iisip niya, katapatan niya, at pagkamapagkakatiwalaan ninyo," upang mapaglinawan ninyo na siya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay walang taglay na kabaliwan. Walang iba siya kundi isang tagapagbigay-babala para sa inyo sa harap ng isang pagdurusang matindi kung hindi kayo nagbalik-loob kay Allāh mula sa pagtatambal sa Kanya.


الصفحة التالية
Icon