Ang sinumang nangyaring nagnanais ng karangalan sa Mundo o sa Kabilang-buhay ay huwag humiling nito maliban sa kay Allāh sapagkat kay Allāh - tanging sa Kanya - ang karangalan sa Mundo at Kabilang-buhay. Sa Kanya umaakyat ang pagbanggit sa Kanya na kaaya-aya, at ang gawang maayos ng mga lingkod Niya ay nag-aangat nito sa Kanya. Ang mga nagpapanukala ng mga pakanang masagwa gaya ng pagtatangka ng pagpatay sa Sugo - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ukol sa kanila ay isang pagdurusang matindi. Ang pakana ng mga tagatangging sumampalataya na iyon ay mawawalang-saysay, masisira, at hindi magsasakatuparan para sa kanila ng isang pakay.


الصفحة التالية
Icon