Nagpapapasok Siya ng gabi sa maghapon kaya nadaragdagan Niya ito ng haba at nagpapapasok Siya ng maghapon sa gabi kaya nadaragdagan Niya ito ng haba. Nagpalingkod Siya - kaluwalhatian sa Kanya - sa araw at nagpalingkod Siya sa buwan. Bawat isa ay tumatakbo para sa isang tipanang nakatakda, na nalalaman ni Allāh, ang Araw ng Pagbangon. Yaong nagtakda niyon sa kabuuan niyon at ang nagpapatakbo niyon ay si Allāh, ang Panginoon ninyo. Sa Kanya - tanging sa Kanya - ang paghahari, samantalang ang mga sinasamba ninyo bukod pa sa Kanya na mga anito ay hindi nagmamay-ari ng halaga ng balot ng buto ng datiles. Kaya papaanong sumasamba kayo sa sinuman bukod pa sa Akin?