Kung nagpapasinungaling sa iyo ang mga kalipi mo, O Sugo, ay magtiis ka sapagkat hindi ikaw ang unang sugong pinasinungalingan ng mga kalipi nito. Nagpasinungaling nga ang mga kalipunang nauna sa mga sugo sa kanilang ito tulad ng `Ād at Thamūd at mga kababayan ni Lot. Dumating sa kanila ang sugo sa kanila mula sa ganang kay Allāh dala ang mga katwirang maliwanag na nagpapatunay sa katapatan nila. Dumating sa kanila ang mga sugo sa kanila dala ang mga kalatas at ang kasulatang nagbibigay-liwanag para sa sinumang nagbubulay-bulay rito at nagninilay-nilay rito.


الصفحة التالية
Icon