Sumumpa ang mga tagatangging sumampalataya na tagapasinungaling kay Allāh ng isang tiniyak na panunumpang binigyang-diin na talagang kung may pumunta sa kanila na isang sugo mula kay Allāh, na nagbababala laban sa pagdurusang dulot Niya, talagang sila nga ay magiging higit sa pananatili at pagsunod sa katotohanan kaysa sa mga Hudyo, mga Kristiyano, at iba pa sa kanila. Ngunit noong dumating sa kanila si Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - bilang isang isinugo mula sa Panginoon niya, na nagpapangamba sa kanila sa pagdurusang dulot ni Allāh, walang naidagdag sa kanila ang pagdating niya kundi kalayuan sa katotohanan at pagkahumaling sa kabulaanan. Hindi sila tumupad sa sinumpaan nilang mga tiniyak na panunumpang sila ay maging higit na napatnubayan kaysa sa nauna sa kanila.