Ipinagtaka nila nang may dumating sa kanila na isang sugo kabilang sa mga sarili nila, na nagpapangamba sa kanila sa pagdurusang dulot ni Allāh kung nagpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya nila. Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya nang nasaksihan nila ang mga patunay sa katapatan ng dinala ni Muḥammad - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Ito ay isang lalaking manggagaway na nanggagaway sa mga tao, na palasinungaling sa inaangkin niyang siya raw ay isang sugo mula kay Allāh, na kinakasihan.


الصفحة التالية
Icon