Kaya humatol si David sa pagitan nilang dalawa at nagsabi siya habang kumakausap sa may hinaing: "Talaga ngang lumabag sa katarungan sa iyo ang kapatid mo nang humiling siya sa iyo nang isama ang babaing tupa mo sa mga babaing tupa niya. Tunay na marami sa mga magkabakas ay talagang lumalabag ang iba sa kanila sa iba dahil sa pagkuha ng karapatan niyon at sa kawalan ng pagkamakatarungan, maliban sa mga sumampalataya na gumagawa ng mga gawang maayos sapagkat sila ay nagpapakamakatarungan sa mga kasosyo nila at hindi lumalabag sa katarungan sa kanila. Ang mga nailalarawan sa [katangiang] iyon ay kakaunti." Natiyak ni David - sumakanya ang pangangalaga - na nagsadlak lamang si Allāh sa kanya sa isang pagsubok sa pamamagitan ng alitang ito, kaya humiling siya ng kapatawaran mula sa Panginoon niya, nagpatirapa siya kay Allāh bilang pagpapakalapit kay Allāh, at nagbalik-loob kay Allāh.