Hindi gagawin ang mga sumampalataya kay Allāh, sumunod sa Sugo Niya, at gumawa ng mga maayos tulad ng mga tagagulo sa lupa sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway. Hindi gagawin ang mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya tulad ng mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw na nakalublob sa mga pagsuway. Tunay ang pagpapantay sa pagitan ng dalawa ay pang-aaping hindi naaangkop kay Allāh - kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya. Bagkus gumaganti si Allāh sa mga mananampalatayang tagapangilag magkasala sa pamamagitan ng pagpasok sa Hardin at nagpaparusa Siya sa mga malumbay sa pamamagitan ng pagpasok sa Apoy dahil sila ay hindi nagkakapantay sa ganang kay Allāh kaya hindi nagkakapantay ang ganti sa kanila sa ganang Kanya.