Pansinin, ukol kay Allāh ang relihiyong wagas. Ang mga gumagawa sa bukod pa kay Allāh bilang mga tagapagtangkilik kabilang sa mga anito at mga nagdidiyus-diyusan na sinasamba nila bukod pa kay Allāh habang mga nagdadahi-dahilan ng pagsamba nila sa mga ito sa pamamagitan ng sabi nila: "Hindi kami sumasamba sa mga ito kundi upang magpalapit sila sa amin kay Allāh sa antas, mag-angat sila sa Kanya ng mga pangangailangan namin, at mamagitan sila para sa amin sa harap Niya." Tunay na si Allāh ay maghahatol sa Araw ng Pagbangon sa pagitan ng mga mananampalatayang naniniwala sa kaisahan Niya at sa pagitan ng mga tagatangging sumampalataya na tagatambal sa Araw ng pagbangon,hinggil sa anumang sila dati hinggil doon ay nagkakaiba-iba kaugnay sa paniniwala sa kaisahan Niya. Tunay na si Allāh ay hindi nagtutuon sa kapatnubayan tungo sa katotohanan sa sinumang sinungaling kay Allāh, na nag-uugnay sa Kanya ng katambal, na mapagtangging magpasalamat sa mga biyaya ni Allāh sa kanya.