Kapag may tumama sa tagatangging sumampalataya na isang kapinsalaan mula sa karamdaman, isang pagkawala ng yaman, at isang pangamba sa pagkalunod ay nananalangin ito sa Panginoon nito - kaluwalhatian sa Kanya - na pawiin dito ang anumang taglay nitong kapinsalaan habang nanunumbalik sa Kanya - tanging sa Kanya. Pagkatapos kapag nagbigay Siya rito ng isang biyaya sa pamamagitan ng pagpawi rito ng pinsalang tumama rito ay nag-iiwan ito sa dati nitong pinagsusumamuhan noong una, na si Allāh. Gumagawa ito para kay Allāh ng mga katambal na sinasamba nito bukod pa sa Kanya upang magpalihis ng iba pa palayo sa daan ni Allāh na nagpaparating sa Kanya. Sabihin mo, O Sugo, sa sinumang ito ang kalagayan niya: "Magtamasa ka sa kawalang-pananampalataya mo sa natitira sa buhay mo, na kakaunting panahon, sapagkat tunay na ikaw ay kabilang sa mga kasamahan sa Apoy, na mga mamamalagi roon sa Araw ng Pagbangon gaya ng pamamalagi ng kasamahan sa kasamahan niya."


الصفحة التالية
Icon