Gumawa si Allāh ng isang paghahalintulad para sa Mushrik (tagapagtambal kay Allāh) at Muwaḥḥid (naniniwala sa kaisahan ni Allāh): isang lalaking minamay-ari ng mga magkatambal na naghihidwaan, na kung nagpalugod ito sa iba sa kanila ay nagpagalit naman ito sa iba pa kaya ito ay nasa isang kagitlahanan at pagkalito; at isang lalaking natatangi para sa isang lalaki na tanging iyon ang nagmamay-ari rito at nalalaman nito ang ninanais niyon kaya ito ay nasa kapanatagan at katahimikan ng isip. Hindi nagkakapantay ang dalawang lalaking ito. Ang papuri ay ukol kay Allāh. Bagkus ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam kaya dahil doon ay nagtatambal sila kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya.