Sa pag-asang umabot ako sa mga daan tungo sa mga langit, na magpaparating sa mga iyon para makatingin ako sa sinasamba ni Moises, na naghahaka-haka na si Allāh ay ang sinasamba ayon sa karapatan. Tunay na ako ay talagang nagpapalagay na si Moises ay isang sinungaling sa anumang inaangkin niya." Gayon pinaganda para kay Paraon ang kapangitan ng gawain niya nang humiling siya ng hiniling niya kay Hāmān, pinalihis siya palayo sa daan ng katotohanan patungo sa daan ng pagkaligaw. Walang [kahahantungan] ang pakana ni Paraon - para pangibabawin ang kabulaanan niyang sinusunod niya at pabulaanan ang katotohanang dinala ni Moises - kundi sa pagkalugi dahil ang kauuwian nito ay ang kabiguan, ang pagpapabigo sa pagpupunyagi niya, at ang kalumbayang hindi mapuputol magpakailanman.


الصفحة التالية
Icon