Kabilang sa mga tanda Niya na nagpapatunay sa kadakilaan Niya at paniniwala sa kaisahan Niya, at sa kakayahan Niya sa pagbubuhay na muli ay na ikaw ay nakakikita na ang lupa ay walang halaman ngunit kapag nagpababa sa ibabaw nito ng tubig ng ulan ay kumikilos ito dahilan sa paglago ng nakatago rito na mga binhi at umaangat. Tunay na ang nagbigay-buhay sa lupang patay sa pamamagitan ng halaman ay talagang tagabigay-buhay sa mga patay at tagabuhay sa kanila para sa pagtutuos at pagganti. Tunay na Siya sa bawat bagay ay May-kakayahan: hindi Siya nawawalang-kakayahan sa pagbibigay-buhay sa lupa matapos ng kamatayan nito ni sa pagbibigay-buhay sa mga patay at pagbubuhay sa kanila mula sa mga libingan nila.