Kung sakaling nagpababa Kami sa Qur'ān na ito sa hindi wika ng mga Arabe ay talaga sanang nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya kabilang sa kanila: "Bakit kaya hindi nilinaw ang mga talata nito upang makaintindi tayo sa mga ito? Ang Qur'ān ba ay di-Arabe at ang nagdala nito ay isang Arabe?" Sabihin mo, o Sugo, sa mga ito: "Ang Qur'ān - para sa mga sumampalataya kay Allāh at nagpatotoo sa mga sugo Niya - ay isang kapatnubayan laban sa pagkaligaw at isang lunas sa nasa mga dibdib na kamangmangan at anumang sumusunod dito." Ang mga hindi sumasampalataya kay Allāh, sa mga tainga nila ay may pagkabingi, at ito sa kanila ay pagkabulag: hindi nila naiintindihan ito. Ang mga nailarawang iyon sa mga katangiang iyon ay gaya ng tinatawag mula sa isang pook na malayo, kaya paano para sa kanila na makarinig sa tinig ng tagatawag?