Tulad ng pagkasi Namin sa mga propeta noong wala ka pa, O Sugo, nagkasi Kami sa iyo ng isang Qur’an na Arabe upang magbabala ka sa Makkah at sa sinumang nasa paligid nito na mga pamayanan ng mga Arabe, pagkatapos ay sa mga tao sa kalahatan, at ipangamba mo sa mga tao ang Araw ng Pagbangon, ang Araw na kakalapin ni Allāh ang mga una at ang mga huli sa nag-iisang larangan para sa pagtutuos at pagganti. Walang duda hinggil sa pagkaganap ng Araw na iyon. Ang mga tao ay mahahati sa dalawang pangkat: may isang pangkat sa Hardin; ang mga mananampalataya, at may isang pangkat sa Apoy; ang mga tagatangging sumampalataya.


الصفحة التالية
Icon