Sa Kanya - tanging sa Kanya - ang mga susi ng mga imbakan ng mga langit at lupa. Nagpapaluwang Siya sa panustos para sa kaninumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya bilang pagsusulit dito kung magpapasalamat ba ito o tatangging magpasalamat, at nanggigipit Siya sa kaninumang niloloob Niya bilang pagsubok dito kung magtitiis ba ito o maiinis sa pagtatakda ni Allāh. Tunay na Siya sa bawat bagay ay Maalam: walang naikukubli sa Kanya na anuman kabilang sa anumang naroon ang mga kapakanan ng mga lingkod Niya.


الصفحة التالية
Icon