Nag-utos Kami sa tao ng isang utos na binigyang-diin: na gumawa siya ng maganda sa mga magulang niya sa pamamagitan ng pagpapakabuti sa kanilang dalawa sa buhay nilang dalawa at matapos ng pagkamatay nilang dalawa, sa pamamagitan ng anumang walang pagsalungat sa Batas ng Islām, lalo na sa ina niya na nagdalang-tao sa kanya sa hirap at nagsilang sa kanya nito sa hirap. Ang yugto ng pagdadalang-tao sa kanya na ipinamalagi at ang simula ng pag-awat sa kanya ay tatlumpong buwan. Hanggang sa kapag umabot siya sa pagkalubos ng mga kalakasan niyang pangkaisipan at pangkatawan at umabot siya sa apatnapung taong gulang ay nagsabi siya: "Panginoon ko, udyukan Mo ako na magpasalamat ako sa biyaya Mo na ibiniyaya Mo sa akin at sa mga magulang ko, udyukan Mo ako na gumawa ako ng gawang maayos na kalulugdan Mo, tanggapin Mo ito mula sa akin, at magsaayos Ka para sa akin ng mga supling ko. Tunay na ako ay nagbabalik-loob sa Iyo mula sa mga pagkakasala ko at tunay na ako ay kabilang sa mga nagpapaakay sa pagtalima sa iyo at mga sumusuko sa mga utos mo."