Ang katangian ng Paraiso - na ipinangako ni Allāh sa mga tagapangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, ay na magpapapasok Siya sa kanila sa loob niyon. Doon ay may mga ilog ng tubig na hindi nagbabago sa amoy ni sa lasa dahil sa tagal ng pananatili. Doon ay may mga ilog ng gatas na hindi nagbago ang lasa nito. Doon ay may mga ilog ng alak na masarap para sa mga tagainom at may mga ilog ng pulut-pukyutan na dinalisay na mula sa mga kasiraan. Ukol sa kanila roon ang lahat ng mga uri ng mga bungang nanaisin nila. Ukol sa kanila higit doon sa kalahatan niyon ay isang pagpapawi mula kay Allāh ng mga pagkakasala nila kaya hindi Siya maninisi sa kanila dahil sa mga ito. Nakapapantay ba ng mga nangyaring ito ay gantimpala nila ang mga mamamalagi sa Apoy, na hindi lalabas mula roon magpakailanman, at paiinumin ng tubig na matindi ang pagkainit kaya pagpuputul-putulin nito ang mga bituka ng mga tiyan nila dahil sa tindi ng init nito?


الصفحة التالية
Icon