Tunay na ang mga nangangako ng katapatan sa iyo, O Sugo, sa pangako ng katapatan ng pagkalugod sa pakikipaglaban sa mga tagatambal na mamamayan ng Makkah ay nangangako lamang ng katapatan kay Allāh dahil Siya ay ang nag-utos sa kanila ng pakikipaglaban sa mga tagatambal at Siya ang gaganti sa kanila. Ang Kamay ni Allāh ay nasa taas ng mga kamay nila sa sandali ng pangako ng katapatan. Siya ay nakababatid sa kanila. Walang naikukubli sa Kanya mula kanila na anuman. Kaya ang sinumang sumira sa pangako ng katapatan nito at hindi tumupad sa ipinangako kay Allāh na pag-aadya sa relihiyon Niya, ang kapinsalaan lamang ng pagsira nito sa pangako nito ng katapatan at ng pagsira nito sa kasunduan nito ay babalik dito sapagkat si Allāh ay hindi napipinsala niyon. Ang sinumang tumupad sa ipinangako nito kay Allāh na pag-aadya sa relihiyon Niya ay magbibigay Siya rito ng isang gantimpalang sukdulan, ang Paraiso.