Magsasabi ang mga pinaiwan ni Allāh kapag lumisan kayo, O mga mananampalataya, patungo sa mga samsam sa Khaybar na ipinangako sa inyo ni Allāh matapos ng Pakikipagpayapaan sa Ḥudaybīyah upang kumuha ng mga iyon: "Pabayaan ninyo kami na humayo kasama sa inyo para sa bahagi mula roon." Nagnanais ang mga nagpaiwan na ito na magpalit sa pamamagitan ng hiling nilang ito sa ipinangako ni Allāh na ipinangako sa mga mananampalataya matapos ng Pakikipagpayapaan sa Ḥudaybīyah na magbigay sa kanila - tanging sa kanila - ng mga samsam ng digmaan sa Khaybar, na natatangi sa sinumang nakadalo sa Ḥudaybīyah. Magsasabi sila: "Ang pagpipigil ninyo sa amin sa pagsunod sa inyo patungo sa Khaybar ay hindi isang kautusan mula kay Allāh; bagkus dahilan sa inggit ninyo sa amin." Ang usapin ay hindi gaya ng inangkin ng mga nagpaiwan na ito. Bagkus sila ay walang nauunawaan sa mga ipinag-uutos ni Allāh at mga sinasaway Niya kundi kakaunti. Dahil doon, nasadlak sila sa pagsuway sa Kanya.


الصفحة التالية
Icon