Talaga ngang tinututoo ni Allāh sa Sugo Niya ang panaginip ayon sa katotohanan nang ipinakita Niya rito iyon sa pagtulog nito at ipinabatid naman nito iyon sa mga Kasamahan nito. Ang [napanaginipan ng Propeta] ay na siya at ang mga Kasamahan niya ay papasok sa Bahay na Pinakababanal ni Allāh, na mga ligtas sa kaaway nila, na kabilang sa kanila ang mga inahit ang mga ulo nila at kabilang sa kanila ang mga pinaiksi [ang buhok] bilang pagpapahayag sa wakas ng gawain ng ḥajj. Nakaalam si Allāh ng kapakanan ninyo, O mga mananampalataya, na hindi ninyo nalaman mismo at gumawa Siya ng bukod pa sa pagsasakatotohanan ng panaginip sa pamamagitan ng pagpasok sa Makkah nang taon na iyon ng isang pagpapawaging malapit. Ito ay ang ipinangyari ni Allāh na Pakikipagpayapaan sa Ḥudaybīyah at ang sumunod dito na pagsakop sa Khaybar sa kamay ng mga mananampalatayang nakadalo sa Ḥudaybīyah.