Si Muḥammad ay ang Sugo ni Allāh. Ang mga Kasamahan niya na kasama sa kanya ay mga matindi sa mga tagatangging sumasampalataya na mga nakikidigma, mga maawain sa isa’t isa sa kanila, na mga nagmamalasakitan, na mga nagmamahalan. Makikita mo sila, o nakatingin, na mga nakayukod na mga nakapatirapa kay Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - na humihiling mula kay Allāh na magmagandang-loob Siya sa kanila ng kapatawaran at gantimpalang masagana, at na malugod Siya sa kanila. Ang palatandaan nila ay nasa mga mukha nila mula sa mga bakas ng pagpapatirapa, na nagpapahayag ng patnubay, paraan, at liwanag ng pagdarasal sa mga mukha nila. Iyon ay ang paglalarawan sa kanila na ipinanlarawan ng Torah, ang kasulatan na ibinaba kay Moises - sumakanya ang pangangalaga. Ang paghahalimbawa naman sa kanila sa Ebanghelyo, ang kasulatan na ibinaba kay Hesus - sumakanya ang pangangalaga - sa pagtutulungan nila at kalubusan nila ay gaya ng tanim na nagluwal ng mga tubo nito, at saka lumakas, at saka kumapal ito, at saka tumayo sa puno nito. Nagpatuwa sa mga tagatanim ang lakas nito at ang pagkalubos nito, upang magpangitngit si Allāh sa pamamagitan nila sa mga tagatangging sumampalataya dahil sa nakita ng mga ito sa kanila na lakas, pagbubukluran, at kalubusan. Nangako si Allāh sa mga sumampalataya at mga gumawa ng mga gawang maayos kabilang sa mga Kasamahan [ng Propeta] ng isang kapatawaran para sa mga pagkakasala nila kaya hindi sila masisisi dahil sa mga iyon, at isang pabuyang dakila mula sa ganang Kanya, ang Paraiso.


الصفحة التالية
Icon