Ukol sa mga lalaki ay isang parte mula sa naiwan ng mga magulang at mga pinakamalapit na kaanak gaya ng mga kapatid at mga tiyuhin sa ama matapos ng kamatayan nila, kaunti man o marami, at ukol sa mga babae ay isang parte mula sa naiwan ng mga nabanggit na ito, na salungat noon sa kalagayan ng Panahon ng Kamangmangan na pagkakait sa mga babae at mga bata mula sa mamanahin. Ang bahaging ito ay karapatang nilinaw ang kantidad, na isinatungkulin mula kay Allāh - pagkataas-taas Siya.