Alamin ninyo na ang buhay pangmundo ay isang laro na naglalaro sa pamamagitan nito ang mga katawan, isang paglilibang na naglilibang sa pamamagitan nito ang mga puso, isang gayak na nagpapaganda kayo sa pamamagitan nito, isang pagpapayabangan sa pagitan ninyo dahil sa naritong pagmamay-ari at kasiyahan, at isang pagpapahambugan sa dami ng mga yaman at dami ng mga anak lamang. Ito ay gaya ng paghahalintulad sa ulan na nagpagalak sa mga magsasaka ang halaman nito. Pagkatapos ay hindi nagtagal ang halamang luntiang ito at natuyo kaya makikita mo ito, o nakakikita, na matapos ng pagiging luntian nito ay naging naninilaw. Pagkatapos ay ginawa ito na pira-pirasong nagkadurug-durog. Sa Kabilang-buhay ay may isang pagdurusang matindi para sa mga tagatangging sumampalataya at mga mapagpaimbabaw, isang kapatawaran mula kay Allāh para sa mga lingkod Niyang mga mananampalataya, at isang kaluguran mula sa Kanya. Walang iba ang buhay pangmundo kundi isang kasiyahang naglalaho: walang pananatili para rito. Kaya ang sinumang pumili sa kasiyahan nitong naglalaho higit sa ginhawa ng Kabilang-buhay, siya ay isang luging nadaya.


الصفحة التالية
Icon