Pagkatapos ay pinasundan Namin ang mga sugo Namin kaya nagpadala Kami sa kanila nang sunud-sunod sa mga kalipunan nila. Pinasundan Namin si Hesus na anak ni Maria at ibinigay Namin sa kanya ang Ebanghelyo. Naglagay Kami sa mga puso ng mga sumampalataya sa kanya at sumunod sa kanya ng habag at awa, kaya sila noon ay mga nagmamahalan, mga nag-aawaan sa isa't isa sa kanila. Nagpauso sila ng pagpapakalabis-labis sa relihiyon nila kaya iniwan nila ang ilan sa ipinahintulot ni Allāh para sa kanila gaya ng pag-aasawa at mga minamasarap samantalang hindi Siya humiling sa kanila niyon. Nag-obliga lamang sila nito sa mga sarili bilang isang pagpapauso mula sa kanila sa relihiyon. Humiling lamang [sa kanila] ng pagsunod sa kaluguran ni Allāh ngunit hindi nila ginawa. Kaya nagbigay Siya sa mga sumampalataya kabilang sa kanila ng gantimpala nila, ngunit marami sa kanila ay mga lumabas sa pagtalima kay Allāh sa pamamagitan ng pagpapasinungaling sa inihatid ng Sugo Niyang si Muḥammad - ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya.