O mga sumampalataya kay Allāh at gumawa ayon sa isinabatas Niya para sa kanila, kapag sinabi sa inyo na magpakaluwang kayo sa mga pagtitipon ay magpaluwang kayo sa mga iyon; magpapaluwag si Allāh para sa inyo sa buhay ninyong sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Kapag sinabi sa inyo na bumangon kayo sa ilan sa mga pagtitipon upang umupo sa mga iyon ang mga may kalamangan ay bumangon kayo sa mga iyon; mag-aangat ng mga antas na sukdulan si Allāh - kaluwalhatian sa Kanya - sa mga sumampalataya kabilang sa inyo at sa mga binigyan ng kaalaman. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakababatid: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga gawain ninyo na anuman at gaganti sa inyo sa mga iyon.


الصفحة التالية
Icon