Hindi ka makatatagpo, O Sugo, ng mga taong sumasampalataya kay Allāh at sumasampalataya sa Huling Araw na umiibig at kumakampi sa sinumang nangaway kay Allāh at sa Sugo Niya, kahit pa man itong mga kaaway kay Allāh at sa Sugo ay mga magulang nila o sila ay mga anak nila o sila ay mga kapatid nila o angkan nila na kinauugnayan nila dahil ang pananampalataya ay humahadlang sa pagkampi sa mga kalaban ni Allāh at ng Sugo Niya at dahil sa ang ugnayan ng pananampalataya ay higit na mataas kaysa sa lahat ng mga ugnayan. Ang [ugnayan ng pananampalatayang] ito ay nangunguna sa [iba pang mga ugnayang] iyon sa sandali ng salungatan. Ang mga hindi kumakamping iyon sa sinumang nangaway kay Allāh at sa Sugo Niya - kahit pa man ang mga ito ay mga kamag-anak - ay ang mga pinatatag ni Allāh ang pananampalataya sa mga puso nila kaya hindi magbabago ang mga ito at pinalakas Niya sila sa pamamagitan ng isang patotoo mula sa Kanya at isang liwanag. Magpapapasok Siya sa kanila sa Araw ng Pagbangon sa mga Hardin ng Eden na dumadaloy mula sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito at mga punong-kahoy ng mga ito ang mga ilog habang mga namamalagi sa mga ito magpakailanman. Hindi mapuputol sa kanila ang ginhawa sa mga ito at hindi maglalaho. Nalugod si Allāh sa kanila ayon sa pagkalugod na hindi Siya maiinis matapos nito magpakailanman, at nalugod sila sa Kanya dahil nagbigay Siya sa kanila ng ginhawang hindi mauubos, at kabilang dito ang pagkakita [nila] sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya. Ang mga nailalarawang iyon ayon sa nabanggit ay ang mga kawal ni Allāh, na mga sumusunod sa ipinag-utos Niya at nagpipigil sa sinaway Niya. Pansinin, tunay na ang mga kawal ni Allāh ay ang mga magwawagi dahil sa makakamit nilang hinihiling nila at dahil makaaalpas sila sa pinangingilabutan nila sa Mundo at Kabilang-buhay.


الصفحة التالية
Icon