Si Allāh ay ang nagpalayas sa liping Naḍīr na mga tumangging sumampalataya sa Kanya at nagpasinungaling sa Sugo Niyang si Muḥammad - ang basbas at ang pangangalaga ay sumakanya - mula sa mga tahanan nila sa Madīnah sa unang pagpapalayas sa kanila mula sa Madīnah papuntang Sirya. Sila ay kabilang sa mga Hudyo, ang mga alagad ng Torah, matapos na sumira sila sa kasunduan nila at naging kasama ng mga tagatambal doon. Nagpalayas Siya sa kanila patungo sa lupain ng Sirya. Hindi kayo nagpalagay, O mga mananampalataya, na lalayas sila mula sa mga tahanan nila dahil sa taglay nilang kapangyarihan at lakas. Nagpalagay sila mismo na ang mga kuta nilang ipinatayo nila ay magsasanggalang sa kanila laban sa bagsik ni Allāh at parusa Niya, ngunit pumunta sa kanila ang bagsik ni Allāh mula sa kung saan hindi nila natantiya ang pagdating niyon nang nag-utos ang Sugo Niya ng pakikipaglaban sa kanila at pagtataboy sa kanila mula sa mga tahanan nila. Nagpapasok si Allāh sa mga puso nila ng matinding pangamba. Winasak nila ang mga bahay nila sa pamamagitan ng mga kamay nila mula sa loob ng mga ito upang hindi makinabang sa mga ito ang mga Muslim. Winasak naman ang mga ito ng mga Muslim mula sa labas ng mga ito. Kaya magsaalang-alang kayo, O mga may paningin, sa dumapo sa kanila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila para kayo ay hindi maging tulad nila para magtamo ng [gaya ng] ganti sa kanila at parusa sa kanila na ipinarusa sa kanila.