Ang sinumang hindi nakaya kabilang sa inyo, o mga lalaki, dahil sa kakauntian ng yaman niya, na mag-asawa ng mga malayang babae ay pinapayagan para sa kanya ang mag-asawa ng mga aliping babaing minamay-ari ng iba sa inyo kung sila ay mga babaing mananampalataya ayon sa lumilitaw sa inyo. Si Allāh ay higit na nakaaalam sa reyalidad ng pananampalataya ninyo at mga lihim ng mga kalagayan ninyo. Kayo at sila ay magkapantay sa relihiyon at pagkatao kaya huwag ninyong matahin ang pag-aasawa mula sa kanila. Kaya mag-asawa kayo sa kanila ayon sa pahintulot ng mga tagamay-ari nila at magbigay kayo sa kanila ng mga bigay-kaya sa kanila nang walang bawas o pagpapatagal. Ito ay kung sila ay mga mabini hindi mga nangangalunya nang hayagan ni mga kumukuha ng mga kasintahan sa pangangalunya sa kanila nang palihim. Kapag nag-asawa sila, pagkatapos ay gumawa sila ng kahalayan ng pangangalunya, ang takdang parusa sa kanila ay kalahati ng kaparusahan ng mga babaing malaya, na limampung hagupit at walang pagbato sa kanila, na salungat naman sa mga babaing malaya kapag nangalunya ang mga ito. Ang nabanggit na iyon na pagpayag sa pag-aasawa sa mga babaing aliping mananampalatayang mabini ay isang pahintulot para sa sinumang nangamba para sa sarili niya sa pagkasadlak sa pangangalunya at hindi naitakdang mag-asawa ng mga babaing malaya. Gayon pa man ang pagtitiis laban sa pag-aasawa ng mga babaing alipin ay higit na karapat-dapat para mapaiwas ang mga anak sa pagkaalipin. Si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila. Bahagi ng awa Niya na nagsabatas Siya para sa kanila ng pag-aasawa sa mga babaing alipin sa kalagayan ng kawalang-kakayahan sa pag-aasawa ng mga babaing malaya sa sandali ng pagkatakot sa pangangalunya.