Kaya kapag nalapit sila sa pagwawakas ng panahon ng paghihintay nila ay makipagbalikan kayo sa kanila ayon sa pagkaibig o kagandahan ng pakikitungo, o tumigil kayo sa pakikipagbalikan sa kanila hanggang sa magwakas ang panahon ng paghihintay nila para mangasiwa sila sa kapakanan ng mga sarili nila, kalakip ng pagbibigay sa kanila ng ukol sa kanila na mga karapatan. Kapag nagnais kayo ng pakikipagbalikan sa kanila o pakikipaghiwalay sa kanila ay magpasaksi kayo sa dalawang makatarungan kabilang sa inyo bilang pagputol sa alitan. Magsagawa kayo, O mga saksi, ng pagsasaksi bilang mga naghahangad ng lugod ng mukha ni Allāh. Ang nabanggit na iyon na mga patakaran ay nagpapaalaala sa sinumang naging sumasampalataya kay Allāh at sumasampalataya sa Araw ng Pagbangon dahil ito ay ang makikinabang sa pagpapaalaala at pangaral. Ang sinumang nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay gagawa si Allāh para rito ng isang malalabasan sa bawat nagaganap dito na kagipitan at bagabag,