O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, huwag kayong magdasal habang kayo ay nasa kalagayan ng kalasingan hanggang sa magkamalay kayo mula sa kalasingan ninyo at makatalos kayo sa sinasabi ninyo - ito noon ay bago ng pagbabawal ng alak nang lubusan; huwag kayong magdasal habang kayo ay nasa kalagayan ng janābah (pangangailangang maligo dahil sa pakikipagtalik) at huwag kayong pumasok sa mga masjid sa kalagayan nito, malibang habang mga tumatawid nang walang pananatili sa mga ito hanggang sa makapaligo kayo. Kung dinapuan kayo ng sakit na hindi maaari sa inyo ang paggamit ng tubig kasabay nito, o kayo ay mga naglalakbay, o nasira ang kadalisayan ng isa sa inyo, o nakipagtalik kayo sa mga maybahay, at hindi kayo nakatagpo ng tubig, magsadya kayo sa isang malinis na lupa [at itapik ang mga palad dito] saka ihaplos ninyo sa mga mukha ninyo at mga kamay ninyo. Tunay na si Allāh ay laging Mapagpaumanhin sa pagkukulang ninyo, Mapagpatawad sa inyo.


الصفحة التالية
Icon