Mayroon sa mga Hudyo na mga tao ng kasamaan na nag-iiba sa pananalitang pinababa ni Allāh sapagkat nagpapakahulugan sila nito ng ayon sa hindi pinababa ni Allāh. Nagsasabi sila sa Sugo - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - nang nag-uutos siya sa kanila ng isang utos: "Nakinig kami sa sabi mo at sumuway kami sa utos mo." Nagsasabi sila bilang mga nanunuya: "Makinig ka ng sinasabi namin na hindi mo narinig." Nagpapaakala sila sa sabi nilang "Rā`inā" na sila ay tumutukoy ng: "Magsaalang-alang ka sa amin sa pagdinig sa iyo," gayong ang tinutukoy lamang nila ay "ang katunggakan." Pumipilipit sila rito ng mga dila nila. Nagnanais sila ng panalangin laban sa kanya - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - at naglalayon sila ng pagtuligsa sa relihiyon. Kung sakaling sila ay nagsabi sana ng: "Nakinig kami sa sabi mo at tumalima kami sa utos mo" sa halip ng pagsabi nila ng: "Nakinig kami sa sabi mo at sumuway kami sa utos mo," at nagsabi sana ng: "Duminig ka" sa halip ng pagsabi nila ng: "Makinig ka; hindi ka nakarinig," at nagsabi sana ng: "Maghintay ka sa amin na makaunawa kami ng sinasabi mo" sa halip ng pagsabi nila ng: "Rā`inā," talaga sanang iyon ay higit na mabuti para sa kanila kaysa sa sinabi nila sa una at higit na makatarungan dahil taglay nito ang kagandahang asal na nababagay sa kalagayan ng Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan. Subalit sumumpa sa kanila ni Allāh saka nagtaboy sa kanila mula sa awa Niya dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sapagkat hindi sila sumasampalataya ng pananampalatayang nagpapakinabang sa kanila.