O mga sumampalataya, huwag kayong lumapastangan sa mga pinakababanal ni Allāh na nag-utos Siya sa inyo ng paggalang sa mga ito. Magpigil kayo sa mga pinipigil sa iḥrām gaya ng pagsusuot ng tinahi at sa mga ipinagbabawal sa Ḥaram gaya ng pangangaso. Huwag kayong lumapasatangan sa pagbabawal sa pakikipaglaban sa mga banal na buwan (Dhul qa`dah, Dhul ḥijjah, Muḥarram, at Rajab). Huwag kayong lumapastangan sa dinala sa Ḥaram na mga hayupan upang ialay kay Allāh doon, sa pamamagitan ng pangangamkam at tulad nito o ng pagpigil sa pag-abot nito sa pinag-aalayan nito. Huwag kayong lumapastangan sa hayop na nakakuwintas ng lana o iba pa rito para ipatalos na ito ay alay. Huwag kayong lumapastangan sa mga nagsasadya sa PInakababanal na Bahay ni Allāh, na naghahanap ng tubo sa pangangalakal at ng kaluguran ni Allāh. Kapag kumalas kayo sa iḥrām sa ḥajj at `umrah at lumabas kayo mula sa Ḥaram ay mangaso kayo kung niloob ninyo. Huwag ngang mag-uudyok sa inyo ang pagkamuhi sa ilang tao, dahil sa pagbalakid nila sa inyo sa Masjid na Pinakababanal, sa pang-aapi at pag-iwan sa katarungan sa kanila. Magtulungan kayo, o mga mananampalataya, sa paggawa ng ipinag-utos sa inyo at pag-iwan sa sinaway sa inyo. Mangamba kayo kay Allāh sa pamamagitan ng pananatili sa pagtalima sa Kanya at paglayo sa pagsuway sa Kanya. Tunay na si Allāh ay matindi ang pagpaparusa sa sinumang sumuway sa Kanya kaya mag-ingat kayo sa parusa Niya.


الصفحة التالية
Icon