Umalaala kayo sa biyaya ni Allāh sa inyo sa pamamagitan ng kapatnubayan sa Islām at umalaala kayo sa tipan Niya na nakipagtipan Siya sa inyo nang nagsabi kayo noong nangako kayo ng katapatan sa Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan - sa pagdinig at pagtalima sa sandali ng kasiglahan at kaatubilian: "Nakarinig kami sa sabi mo at tumalima kami sa utos mo." Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya - kabilang sa mga ito ang mga tipan Niya - at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang nasa mga puso kaya walang naikukubli sa kanya mula rito na anuman.