Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga nagsasabi kabilang sa mga Kristiyano na si Allāh ay ang Kristo Jesus na anak ni Maria. Sabihin mo sa kanila, o Sugo: "Sino ang nakakakaya na pumigil kay Allāh sa pagpuksa kay Kristo Jesus na anak ni Maria, at [nakakakaya] na pumuksa sa ina niya at pumuksa sa mga nasa lupa sa kabuuan nila kapag nagnnais Siya ng pagpuksa sa kanila? Kapag hindi nakakaya ang isa man na pumigil sa Kanya roon, nagpapatunay iyon na walang Diyos kundi si Allāh at na ang lahat - si Jesus, ang ina niya, at ang lahat ng nilikha - ay nilikha ni Allāh. Sa kay Allāh ang paghahari sa mga langit at lupa at anumang nasa pagitan ng mga ito. Lumilikha Siya ng anumang niloloob Niya. Kabilang sa niloob Niyang likhain ay si Jesus - sumakanya ang pangangalaga - kaya ito ay lingkod Niya at Sugo Niya. Si Allāh, sa bawat bagay, ay May-kakayahan.