Banggitin mo, o Sugo, nang nagsabi si Moises sa mga kalipi niyang mga anak ni Israel: "O mga kalipi, mag-alaala kayo sa mga puso ninyo at mga dila ninyo ng biyaya ni Allāh sa inyo nang gumawa Siya sa inyo ng mga propeta na nag-aanyaya sa inyo tungo sa patnubay, gumawa Siya sa inyo na mga haring naghahari kayo sa nauukol sa mga sarili ninyo matapos na kayo noon ay mga pinagmamay-aring inaalipin, at nagbigay Siya sa inyo mula sa mga biyaya Niya na hindi Niya ibinigay sa isa man kabilang sa mga nilalang sa panahon ninyo.


الصفحة التالية
Icon