Magsalaysay ka, o Sugo, sa mga naiinggit na tagalabag sa katarungan na ito kabilang sa mga Hudyo ng sanaysay ng dalawang anak ni Adan na sina Cain at Abel ayon sa katapatang walang pag-aalangan hinggil doon nang naghandog silang dalawa ng alay na ipinapanglapit-loob ng bawat isa sa kanilang dalawa kay Allāh - kaluwalhatian sa Kanya. Tumanggap si Allāh sa alay na inihandog ni Abel dahil ito ay kabilang sa mga may pangingilag sa pagkakasala. Hindi Siya tumanggap sa alay ni Cain dahil ito ay hindi kabilang sa mga may pangingilag sa pagkakasala. Minasama ni Cain ang pagtanggap sa alay ni Abel dala ng inggit at nagsabi: "Talagang papatayin nga kita, o Abel." Nagsabi naman si Abel: "Tumatanggap lamang si Allāh ng isang alay mula sa sinumang nangilag magkasala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.