Tunay na ang kalagayan ng mga ito ay talagang kataka-taka. Sila ay tumatangging sumampalataya sa iyo ngunit nagpapahatol sa iyo dala ng paghahangad sa paghahatol mo ng umaalinsunod sa mga nasa nila samantalang taglay nila ang Torah na sinasabi nilang sinasampalatayanan daw nila iyon na naroon ang kahatulan ni Allāh, pagkatapos ay umaayaw sila sa hatol mo kapag hindi umalinsunod sa mga nasa nila. Kaya naman pinagsama nila ang kawalang-pananampalataya sa kasulatan nila at ang pag-ayaw sa hatol mo. Ang gawain ng mga ito ay hindi gawain ng mga mananampalataya kaya sila ay hindi kabilang sa mga manananampalataya sa iyo at sa inihatid mo.