Isinatungkulin ni Allāh sa mga Hudyo sa Torah na ang sinumang pumatay ng isang tao nang sinasadya ay papatayin dahil doon, ang sinumang dumukot ng isang mata nang sinasadya ay dudukutin ang mata niya, ang sinumang tumapyas ng isang ilong nang sinasadya ay tatapyasin ang ilong, ang sinumang pumutol ng isang tainga ay puputulin ang tainga niya, at ang sinumang bumungal ng isang ngipin ay bubungalin ang ngipin niya. Itinakda ni Allāh sa kanila na hinggil sa mga sugat ay parurusahan ang may-sala ng tulad sa kasalanan niya. Ang sinumang nagkusang-loob ng pagpapaumanhin sa may-sala, ang pagpapaumanhin niya ay magiging isang panakip-sala sa mga pagkakasala niya dahil sa pagpapaumanhin niya sa lumabag sa katarungan sa kanya. Ang sinumang hindi humatol ng ayon sa ibinaba ni Allāh kaugnay sa pumapatungkol sa pantay na ganti at sa pumapatungkol sa iba pa rito, siya ay lumalampas sa mga hangganan ni Allāh.