Ibinaba ni Allāh sa iyo, o Sugo, ang Qur'ān taglay ang katapatang walang duda ni alinlangan hinggil dito na ito ay mula sa ganang kay Allāh bilang isang nagpapatotoo sa nauna rito na mga kasulatang ibinaba at isang pinagkakatiwalaan sa mga ito. Kaya ang anumang umalinsunod doon mula sa mga ito, iyan ay katotohanan; at ang anumang sumasalungat doon, iyan ay kabulaanan. Kaya humatol ka sa pagitan nila ayon sa ibinaba ni Allāh sa iyo hinggil doon at huwag kang sumunod sa mga nasa nilang pinanghahawakan nila habang iniiwan ang ibinaba sa iyo na katotohanang walang duda hinggil doon. Gumawa si Allāh para sa bawat kalipunan ng batas kabilang sa mga patakarang panggawain at paraang maliwanag na ipinapatnubay nila. Kung sakaling niloob ni Allāh ang pag-iisa sa mga batas, talagang pinag-isa na Niya ang mga ito subalit Siya ay gumawa para sa bawat kalipunan ng batas upang sulitin ang lahat kaya malalantad ang tumatalima sa sumusuway. Kaya magmadali kayo tungo sa mga kabutihan at pag-iwan sa mga nakasasama sapagkat tungo kay Allāh, tanging sa Kanya, ang pagbabalikan ninyo sa Araw ng Pagbangon. Magbabalita Siya sa inyo tungkol sa kayo noon hinggil doon ay nagkakasalungatan. Gagantihan Niya kayo sa ipinauna ninyong mga gawa.