Talaga ngang tumangging sumampalataya ang mga Kristiyanong nagsasabing si Allāh ay ang Kristo Jesus na anak ni Maria dahil sa pag-uugnay nila ng pagkadiyos sa iba pa kay Allāh gayong ang Kristo na anak ni Maria mismo ay nagsabi sa kanila: "O mga anak ni Israel, sambahin ninyo si Allāh, tanging Siya, sapagkat Siya ay Panginoon ko at Panginoon ninyo at tayo sa pagkaalipin sa Kanya ay magkapantay." Iyon ay dahil sa ang sinumang nagtatambal kay Allāh ng iba pa sa Kanya, tunay na si Allāh ay pipigil sa kanya sa pagpasok sa Paraiso magpakailanman. Ang paglalagyan niya ay Apoy ng Impiyerno. Walang ukol sa kanyang tagaadya sa ganang kay Allāh ni tagatulong ni tagasagip na sasagip sa kanya mula sa naghihintay sa kanya na pagdurusa.