Walang iba ang Kristo Jesus na anak ni Maria kundi isang sugo kabilang sa mga sugo. Magaganap sa kanya ang anumang naganap sa kanila na kamatayan. Ang ina niyang si Maria - sumakanya ang pangangalaga - ay marami sa katapatan at paniniwala. Silang dalawa ay kumakain ng pagkain dahil sa pangangailangan nila rito kaya papaanong sila ay naging mga sinasamba sa kabila ng pangangailangan nila sa pagkain? Kaya tingnan mo, o Sugo, ayon sa pagtingin ng pagmumuni-muni kung papaano nililiwanag ni Allāh para sa kanila ang mga tandang nagpapatunay sa kaisahan Niya at sa kabulaanan ng taglay nilang pagpapalabis sa pag-uugnay ng pagkadiyos sa iba pa sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya - habang sila sa kabila niyon ay nagkakaila sa mga tandang ito. Pagkatapos ay tingnan mo ayon sa pagtingin ng pagmumuni-muni kung papaano silang nababaling palayo sa katotohanan sa isang pagbaling sa kabila nitong mga tandang maliwanag na nagpapatunay sa kaisahan ni Allāh.


الصفحة التالية
Icon