Kumain kayo mula sa inakay ni Allāh sa inyo na panustos Niya sa kalagayan ng pagiging isang ipinahintulot na kaaya-aya nito, huwag kung ito ay ipinagbabawal gaya ng nakuha dala ng pangangamkam o sa minamasamang paraan. Mangilag kayong magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya sapagkat Siya ang sinasampalatayanan ninyo at ang pananampalataya ninyo sa Kanya ay nag-oobliga sa inyo na mangilag kayong magkasala sa Kanya.


الصفحة التالية
Icon