Tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo sa pamamagitan ng pagsunod sa ipinag-utos ng Batas ng Islām at pag-iwas sa sinaway nito at mag-ingat kayo laban sa pagsalungat. Ngunit kung umayaw kayo roon ay alamin ninyo na ang tungkulin ng Sugo ni Allāh ay ang pagpapaabot ng ipinag-utos Niya na ipaabot, at naipaabot nga naman niya. Kayo kung napatnubayan kayo ay dahil sa sarili ninyo at kung nakagawa kayo ng masagwa ay laban naman sa mga ito.