Sabihin mo, O Sugo: "Hindi pumapantay ang karima-rimarim mula sa bawat bagay sa kaaya-aya mula sa bawat bagay, kahit pa man nagpahanga sa iyo ang dami ng karima-rimarim sapagkat tunay na ang dami nito ay hindi nagpapatunay sa kainaman nito." Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, O mga may mga pang-unawa, sa pamamagitan ng pag-iwan sa nakaririmarim at ng paggawa ng kaaya-aya, nang sa gayon kayo ay magtatamo ng Paraiso.


الصفحة التالية
Icon