Bahagi ng kalubusan ng lugod nila sa Paraiso ay na aalisin ni Allāh ang anumang nasa mga puso nila na pagkamuhi at ngitngit at padadaluyin Niya ang mga ilog mula sa ilalim nila. Magsasabi sila bilang mga umaamin kay Allāh ng pagpapalugod Niya sa kanila: "Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagtuon sa amin para sa matuwid na gawang ito na nagpatamo sa amin ng kalagayang ito at hindi sana mangyayaring kami ay maitutuon doon ayon sa pagkukusa ng mga sarili namin kung sakaling hindi nagtuon sa amin si Allāh doon. Talaga ngang dumating ang mga sugo ng Panginoon namin dala ang katotohanang walang mapag-aalinlanganan at ang katapatan sa pangako at banta." Ipananawagan sa kanila ng isang tagapanawagan na: "Ito ay ang Paraiso na ipinabatid sa inyo ng mga sugo Ko sa Mundo." Ipinasunod kayo ni Allāh doon dahil sa ginagawa ninyo noon na mga matuwid na gawa na ninanais ninyo dahil sa mga ito ang ikalulugod ng mukha ni Allāh.