Ang papuri ay ukol kay Allāh na sa Kanya ang lahat ng nasa mga langit at ang lahat ng nasa lupa sa paglikha, paghahari, at pangangasiwa, at ukol sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya - ang pagbubunyi sa Kabilang-buhay. Siya ay ang Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya, ang Nakababatid sa mga kalagayan ng mga lingkod Niya: walang naikukubli sa Kanya mula sa mga ito na anuman.


الصفحة التالية
Icon