ﯷ
ترجمة معاني سورة المدّثر
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
ﮪﮫ
ﰀ
O nagtatakip ng mga kasuutan niya (siya ay ang Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan),
ﮭﮮ
ﰁ
tumindig ka at magpangamba ka sa pagdurusang dulot ni Allāh!
ﮰﮱ
ﰂ
At dumakila ka sa Panginoon mo.
ﯔﯕ
ﰃ
Magdalisay ka sa sarili mo mula sa mga pagkakasala at sa mga kasuutan mo mula sa mga karumihan.
ﯗﯘ
ﰄ
At lumayo ka sa pagsamba sa mga anito.
At huwag kang maghandog para sa Panginoon mo dahil sa paghiling mo na dumami ng gawa mong maayos.
ﯞﯟ
ﰆ
Magtiis ka alang-alang kay Allāh sa anumang nakahaharap mong pasakit.
Kaya kapag umihip sa sungay sa ikalawang pag-ihip,
ang Araw na iyon ay isang araw na matindi.
Sa mga tagatangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya ay hindi magaan.
Hayaan mo Ako, O Sugo, at ang nilikha Ko nang mag-isa sa tiyan ng ina niya nang walang yaman o anak. (Siya ay si Al-Walīd bin Al-Mughīrah.)
Gumawa Ako para sa kanya ng isang yamang marami
ﯺﯻ
ﰌ
Gumawa Ako para sa kanya ng mga anak na nakadalo sa kanya at sumasaksi sa mga pagdiriwang kasama sa kanya, na hindi humihiwalay sa kanya para sa isang paglalakbay, dahil sa dami ng yaman niya.
Nagpasagana Ako sa kanya sa pamumuhay, panustos, at anak sa isang pagpapasagana.
Pagkatapos ay naghahangad siya sa kabila ng kawalang-pananampalataya niya na magdagdag Ako sa kanya matapos akong magbigay sa kanya ng lahat ng iyon.
Ang usapin ay hindi gaya ng ginuguniguni niya! Tunay na siya ay nagmamatigas sa mga tanda Naming ibinaba sa Sugo Namin, na nagpapasinungaling sa mga ito.
ﰍﰎ
ﰐ
Mag-aatang Ako sa kanya ng isang pahirap mula sa pagdurusa, na hindi siya makakakaya sa pagbabata niyon.
Tunay na ang tagatangging sumampalataya na ito na nagbiyaya Ako sa kanya ng mga biyayang iyon ay nag-isip hinggil sa sasabihin niya hinggil sa Qur'ān para sa pagpapabula nito, at nagtakda niyon sa sarili niya.
Kaya isinumpa siya at pinagdusa siya kung papaano siyang nagtakda!
Pagkatapos ay isinumpa siya at pinagdusa siya kung papaano siyang nagtakda!
ﭚﭛ
ﰔ
Pagkatapos ay umulit siya ng pagmamasid at paglilimi sa anumang sasabihin niya.
Pagkatapos ay umasim ang mukha niya at umismid siya nang hindi siya nakatagpo ng maipaninira niya sa Qur'ān.
Pagkatapos ay tumalikod siya sa pananampalataya at nagmalaki siya sa pagtanggi sa pagsunod sa Propeta - basbasan siya ni Allāh at pangalagaan.
Kaya nagsabi siya: "Itong dinala ni Muḥammad ay hindi Pananalita ni Allāh, bagkus ito ay isang panggagaway na isinasaysay niya buhat sa iba sa kanya.
Ito ay hindi Pananalita ni Allāh; bagkus ito ay pananalita ng tao."
ﭲﭳ
ﰙ
Magpapasok Ako sa tagatangging sumampalataya na ito isa sa mga palapag ng Impiyerno. Iyon ay ang Saqar, na magdurusa siya sa init niyon.
At ano ang nagpaalam sa iyo, o Muḥammad, kung ano ang Saqar?
Hindi ito nagtitira ng anuman mula sa pinagdurusa roon malibang pinupuksa nito, at hindi ito nag-iiwan. Pagkatapos ay babalik iyon gaya ng dati. Pagkatapos ay pupuksa ito roon. Ganoon ng ganoon.
ﭿﮀ
ﰜ
matindi ang pagsusunog at ang pagpapalit sa mga balat,
sa ibabaw nito ay may labingsiyam na anghel. Sila ay ang mga tanod nito.
At hindi Kami naglagay ng mga tanod ng Apoy maliban pa sa mga anghel sapagkat walang kakayahan para sa mga tao sa kanila. Nagsinungaling nga si Abū Jahl nang nag-angkin siya na siya at ang mga tao niya ay makakakaya sa pagdaluhong sa mga anghel, pagkatapos ay makalalabas sila sa Apoy. Hindi gumawa sa bilang nilang ito malibang bilang pagsusulit para sa mga tumangging sumampalataya kay Allāh upang magsabi sila ng sasabihin nila para pag-ibayuhin para sa kanila ang pagdurusa, upang makatiyak ang mga Hudyo na binigyan ng Torah at ang mga Kristiyano na binigyan ng Ebanghelyo kapag bumaba ang Qur'ān bilang tagapatotoo sa nasa mga Kasulatan nila, upang madagdagan ang mga mananampalataya ng pananampalataya kapag sumang-ayon sa kanila ang mga May Kasulatan, at hindi mag-alinlangan ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano at ang mga mananampalataya, at upang magsabi ang mga nag-aatubili sa pananampalataya at ang mga tagatangging sumampalataya: "Aling bagay ang ninais ni Allāh sa kataka-takang bilang na ito tulad ng pagpapaligaw sa tagakaila sa bilang na ito at kapatnubayan sa tagapatotoo nito?" Nagpapaligaw si Allāh sa sinumang niloob Niya na paligawin at nagpapatnubay Siya sa sinumang niloob Niya na patnubayan. Walang nakaaalam sa mga kawal ng Panginoon mo sa dami nila kundi Siya - kaluwalhatian sa Kanya - kaya umalam niyon si Abū Jahl na nagsasabi: "Si Muḥammad ba ay walang mga katulong maliban sa labingsiyam?" bilang pang-uuyam at bilang pagpapasinungaling. Walang iba ang Apoy kundi isang pagpapaalaala para sa mga tao, na malalaman nila dahil doon ang kadakilaan ni Allāh.
ﯥﯦ
ﰟ
Ang masasabi ay hindi gaya ng inaakala ng isa sa mga tagatambal na makakasapat ang mga kasamahan niya laban sa mga tanod ng Impiyerno para maitaboy nila ang mga ito roon! Sumumpa si Allāh sa buwan.
Sumumpa si Allāh sa gabi kapag lumisan ito.
Sumumpa Siya sa madaling-araw kapag tumanglaw ito.
Tunay na ang Apoy ng Impiyerno ay isa sa mga kapahamakang mabigat.
ﯴﯵ
ﰣ
bilang pagpapasindak at pagpapangamba para sa mga tao,
para sa sinumang lumuob kabilang sa inyo, O mga tao, na magpakauna sa pamamagitan ng pananampalataya kay Allāh at gawang maayos o magpakahuli sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.
Bawat kaluluwa sa nakamit nito na mga nagawa ay kukunin, kaya alin sa dalawa: magpapahamak dito ang mga gawa niya o magliligtas dito at sasagip dito mula sa kasawian.
Maliban sa mga mananampalataya sapagkat tunay na sila ay hindi kukunin dahil sa mga pagkakasala nila; bagkus lalampas sa mga ito dahil sa taglay nila na gawang maayos.
Sila sa Araw ng Pagbangon ay sa mga Hardin magtatanong sa isa't isa sa kanila
ﰍﰎ
ﰨ
tungkol sa mga tagatangging sumampalataya na nagpasawi sa mga sarili nila dahil sa ginawa nilang mga pagsuway:
Magsasabi sila sa mga ito: "Ano ang nagpapasok sa inyo sa Impiyerno?"
Kaya sasagot sa kanila ang mga tagatangging sumampalataya: "Hindi kami noon kabilang sa mga nagsasagawa ng pagdarasal na isinatungkulin sa buhay pangmundo.
At hindi kami noon nagpapakain sa maralita mula sa ibinigay sa amin ni Allāh.
Kami noon ay kasama sa mga kampon ng kabulaanan, na umiikot kami kasama sa kanila saan man umikot sila. Nagsasalita kami kasama sa mga kampon ng pagkaligaw at kalisyaan.
Kami noon ay nagpapabula sa Araw ng Pagganti.
At nagtagal kami sa pagpapasinungaling hanggang sa dumating sa amin ang kamatayan, kaya nakahadlang ito sa pagitan namin at ng pagbabalik-loob."
Kaya hindi magpapakinabang sa kanila sa Araw ng Pagbangon ang pagpapagitna ng mga tagapamagitan kabilang sa mga anghel, mga propeta, mga maayos dahil kabilang sa kundisyon ng pagtanggap sa pamamagitan ay ang pagkalugod ng pinamamagitanan.
Aling bagay ang gumawa sa mga tagatambal na ito bilang mga tagaayaw sa Qur'ān?
Para bang sila sa pag-ayaw nila at pagkailang nila roon ay mga asnong ligaw na matindi ang pagkailang,
na nailang mula sa isang leyon dala ng pangamba dito.
Bagkus nagnais ang bawat isa kabilang sa mga tagatambal na ito na magkaroon sa umaga sa tabi ng ulo niya ng isang kasulatan na nakaladlad na nag-uulat sa kanya na si Muḥammad ay isang Sugo mula kay Allāh. Ang kadahilanan niyon ay hindi ang kakauntian ng mga patotoo o ang kahinaan ng mga katwiran; iyon lamang ay ang pagmamatigas at ang pagmamalaki.
Ang usapin ay hindi ganoon! Bagkus ang kadahilanan sa pagtatagal nila sa pagkaligaw nila ay na sila ay hindi sumasampalataya sa pagkakaroon ng pagdurusa sa Kabilang-buhay kaya nanatili sila sa kawalang-pananampalataya nila.
Pansinin! Tunay na ang Qur’ān na ito ay isang pangaral at isang pagpapaalaala.
Kaya ang sinumang lumuob na bumigkas ng Qur'ān at mapangaralan dahil dito ay bibigkas siya nito at mapangangaralan siya rito.
At hindi sila mapangangaralan maliban na loobin ni Allāh na mapangaralan sila. Siya - kaluwalhatian sa Kanya - ay ang karapat-dapat para pangilagan sa pagkakasala sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at ang karapat-dapat para sa pagpapatawad ng mga pagkakasala ng mga lingkod Niya kapag nagbalik-loob sila sa Kanya.