ﯡ
ترجمة معاني سورة الطور
باللغة الفلبينية من كتاب الترجمة الفلبينية (تجالوج) للمختصر في تفسير القرآن الكريم
.
من تأليف:
مركز تفسير للدراسات القرآنية
.
ﰡ
ﮞ
ﰀ
Sumumpa si Allāh sa bundok na kumausap Siya sa ibabaw nito kay Moises - sumakanya ang pangangalaga.
ﮠﮡ
ﰁ
Sumumpa Siya sa Aklat na nakatitik.
Sa isang pahinang nakalatag, na nakabukas gaya ng mga kasulatang ibinaba.
ﮧﮨ
ﰃ
At sumumpa si Allāh sa Bahay na dinadalaw ng mga anghel sa langit dahil sa pagsamba sa Kanya.
ﮪﮫ
ﰄ
Sumumpa Siya sa langit na iniangat na siyang bubong ng lupa.
ﮭﮮ
ﰅ
Sumumpa Siya sa dagat na pinupuno ng tubig.
Tunay na ang pagdurusang dulot ng Panginoon mo, O Sugo, ay talagang magaganap nang walang pasubali sa mga tagatangging sumampalataya.
Wala ritong anumang tagatulak na tutulak rito palayo sa kanila at magtatanggol sa kanila laban sa pagkaganap nito sa kanila.
sa araw na kikilos ang langit sa isang pagkilos at manginginig ito bilang pagpapahayag ng pagbangon [ng mga patay],
at uusad ang mga bundok mula sa mga kinaroroonan ng mga ito sa isang pag-usad.
Kaya kasawian at kalugihan sa araw na iyon ay ukol sa mga tagapasinungaling sa ipinangako ni Allāh sa mga tagatangging sumampalataya na pagdurusa,
na sila sa pagsuong sa kabulaanan ay naglalaro, na hindi pumapansin sa pagbubuhay at pagtitipon [sa mga patay].
Sa araw na itutulak sila nang matindi at marahas patungo sa apoy ng Impiyerno sa isang pagtutulak,
sasabihin sa kanila bilang panunumbat sa kanila: "Ito ang Apoy na kayo noon hinggil dito ay nagpapasinungaling nang nagpapangamba sa inyo ang mga sugo ninyo laban dito.
Kaya panggagaway ba itong nakita ninyong pagdurusa o kayo ay hindi nakakikita?
Lumasap kayo ng init ng apoy na ito at batahin ninyo ito, at magtiis kayo sa pagbata ng init nito o huwag kayong magtiis rito – magkapantay ang pagtitiis ninyo at ang kawalan ng pagtitiis ninyo. Walang igaganti sa inyo sa Araw na ito kundi ang dati ninyong ginagawa sa Mundo na kawalang-pananampalataya at mga pagsuway.
Tunay na ang mga tagapangilag magkasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya ay nasa mga hardin at ginhawang sukdulan na hindi mapuputol,
na nagpapasarap sa ibinigay sa kanila ni Allāh na masasarap ng pagkain at inumin at pag-aasawa, at pinangalagaan sila ng Panginoon nila - kaluwalhatian sa Kanya - sa pagdurusa sa Impiyerno. Kaya nagtagumpay sila sa pagtamo ng hinihiling nila na mga minamasarap at sa pangangalaga sa kanila sa mga nakayayamot.
Sasabihin sa kanila: Kumain kayo at uminom kayo mula sa ninanasa ng mga sarili ninyo nang kaiga-igaya nang hindi kayo nangangamba sa isang kapinsalaan ni isang kasiraan mula sa kinakain ninyo at iniinom ninyo bilang ganti para sa inyo sa mga gawain ninyong kaaya-aya sa Mundo.
[Sila ay] mga nakasandal sa mga sopang ginayakan na inilagay ngang nakaharap ang ilan sa mga ito sa tabi ng iba pa. Ipakakasal Namin sila sa mga babaing maputi na malalapad ang mga mata.
Ang mga sumampalataya at sinundan sila sa pananampalataya ng mga anak nila ay isasama Namin sa kanila ang mga anak nila upang magalak ang mga mata nila sa mga ito. Kung sakaling hindi umabot ang mga gawa nila ay hindi Kami magbabawas sa kanila ng anuman sa gantimpala ng mga gawa nila. Ang bawat tao ay mapipiit dahil sa nakamit niyang gawang masagwa: walang mananagot para sa kanya na iba pa sa kanya sa anuman mula sa gawa niya.
Magkakaloob Kami sa mga maninirahang ito sa Paraiso ng mga uri ng prutas at magkakaloob Kami sa kanila ng bawat ninasa nila na karne.
Magbibigayan sila sa Paraiso ng tasa na hindi nagreresulta sa pag-inom nito ng inireresulta sa Mundo na pananalitang bulaan at kasalanan dahilan sa pagkalasing.
May lilibot sa kanila na mga batang lalaking pinaglingkod para sa pagsisilbi sa kanila na para bang ang mga iyon dahil sa kadalisayan ng kutis ng mga iyon at kaputian nito ay mga mutyang iniingatan sa mga kabibe ng mga ito.
Lalapit ang iba sa mga maninirahan sa Paraiso sa iba pa, na nagtatanong sila sa isa't isa tungkol sa kalagayan nila sa Mundo.
Kaya sasagot sila sa mga iyon: "Tunay na kami dati noon sa Mundo sa gitna ng mga mag-anak namin ay mga nangangamba sa pagdurusang dulot ni Allāh.
Ngunit nagmagandang-loob si Allāh sa amin ng kapatnubayan sa Islām, at nangalaga Siya sa amin laban sa pagdurusang lumalabis sa init.
Tunay na kami dati sa buhay naming pangmundo ay dumadalangin sa Kanya na ingatan Niya kami laban sa pagdurusa sa Apoy. Tunay na Siya ay ang Tagagawa ng mabuti, ang Tapat sa pangako Niya sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila. Bahagi ng kabaitan Niya at awa Niya sa amin na nagpatnubay Siya sa amin sa pananampalataya, magpapasok Siya sa amin sa Paraiso, at nagpalayo Siya sa amin sa Apoy.
Kaya magpaalaala ka, O Sugo, sa pamamagitan ng Qur'ān sapagkat hindi ka, dahil sa ibiniyaya ni Allāh sa inyo na pananampalataya at pang-unawa, isang manghuhula na mayroon kang katangkilik kabilang sa mga jinn, at hindi ka isang baliw.
O nagsasabi ang mga tagapasinungaling na ito: "Tunay na si Muḥammad ay hindi isang sugo, bagkus isang makata, na naghihintay kami sa kanya na hablutin siya ng kamatayan para makapagpahinga Kami sa kanya."
Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Maghintay kayo ng kamatayan ko habang ako ay naghihintay ng dadapo sa inyo na pagdurusa dahilan sa pagpapasinungaling ninyo sa akin."
Bagkus nag-uutos ba sa kanila ang mga pang-unawa nila dahil sa sabi nila: "Tunay na siya ay manghuhula at baliw" sapagkat ipinagsasama nila ang hindi naipagsasama sa isang tao. Bagkus sila ay mga taong lumalampas sa mga hangganan kaya hindi sila manunumbalik sa batas o pagkaunawa.
O nagsasabi ba sila: "Tunay na si Muḥammad ay lumikha-likha ng Qur'ān na ito at hindi naman nagkasi sa kanya nito?" Hindi siya lumikha-likha nito. Bagkus sila ay nagmamalaki laban sa pananampalataya rito sapagkat nagsasabi silang ginawa-gawa niya ito.
Kaya maglahad sila ng isang salaysay tulad nito - kahit pa man nangyaring iyon ay nilikha-likha - kung nangyaring sila ay mga tapat sa pag-aangkin nila na ito ay ginawa-gawa niya.
O nilikha ba sila mula sa hindi isang tagalikhang lumilikha sa kanila o sila ay ang mga tagalikha sa mga sarili nila? Hindi maaari ang pag-iral ng isang nilikha nang walang tagalikha, ni ng isang nilikha na lumilikha, kaya bakit hindi sila sumasamba sa Tagalikha nila?
O lumikha ba sila ng mga langit at lupa? Bagkus hindi sila nakatitiyak na si Allāh ay Tagapaglikha nila yayamang kung sakaling natiyak nila iyon ay talaga sanang naniwala sila sa kaisahan Niya at talaga sanang sumampalataya sila sa Sugo Niya.
O taglay ba nila ang mga imbakan ng Panginoon mo para sa panustos para magkaloob sila nito sa sinumang niloloob nila at para sa pagkapropeta para magbigay sila nito o magkaila sila nito sa sinumang ninais nila, o sila ay ang mga tagapangibabaw, ang tagapangasiwa alinsunod sa kalooban nila?
O mayroon ba silang isang akyatan na ipang-aakyat nila sa langit patungo sa kasi ni Allāh na ikinakasi Niya na sila ay nasa katotohanan? Kaya maglahad ang nakapakinig kabilang sa kanila sa pagkasing iyon ng isang katwirang maliwanag na magpapatotoo sa inaangkin ninyo na kayo ay nasa katotohanan.
O ukol sa Kanya - kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya - ay ang mga anak na babae na kinasusuklaman ninyo, at ukol naman sa inyo ay ang mga anak na lalaki na naiibigan ninyo?
O humihiling ka ba sa kanila, O Sugo, ng isang pabuya dahil sa ipinaabot mo buhat sa Panginoon mo kaya sila dahilan doon ay mga naatangan ng isang pabigat na hindi sila nakakakaya sa pagpasan niyon?
O taglay ba nila ang [kaalaman sa] Lingid kaya sila ay nagsusulat sa mga tao ng nabatid nila mula sa mga kaalamang lingid at nagpapabatid sila ng anumang niloob nila mula sa mga ito?
O nagnanais ba ang mga tagapasinungaling na ito ng isang pakana laban sa iyo at laban sa relihiyon mo? Ngunit magtiwala ka kay Allāh sapagkat ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa Sugo Niya ay ang mga nilalansi, hindi ikaw?
O mayroon ba silang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa kay Allāh? Nagpakawalang-ugnayan si Allāh at nagpakabanal Siya sa itinatambal nila sa Kanya na katambal! Lahat ng naunang nabanggit ay hindi nangyari at hindi naguguniguni sa anumang kalagayan.
Kung may makikita sila na isang pirasong bagay mula sa langit na nalalaglag ay magsasabi sila tungkol doon: "Iyan ay mga ulap na nagkabuntun-bunton, na may bahagi nito na nasa ibabaw ng iba, gaya ng nakagawian." Kaya naman hindi sila napangangaralan at hindi sila sumasampalataya.
Kaya iwan mo sila, O Sugo, sa pagmamatigas nila at pagtanggi nila hanggang sa makipagtagpo sila sa araw nila na doon ay pagdurusahin sila, ang Araw ng Pagbangon.
sa Araw na hindi makapagdudulot para sa kanila ang pakana nila ng anuman, marami man o kaunti, at hindi sila iaadya sa pamamagitan ng pagsagip sa kanila mula sa pagdurusa.
Tunay na ukol sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagtatambal at mga pagsuway ay isang pagdurusa bago ng pagdurusa sa Kabilang-buhay. Sa Mundo ay sa pamamagitan ng pagkapatay at pagkabihag at sa Barzakh ay sa pamamagitan ng pagdurusa sa libingan, subalit ang karamihan sa kanila ay hindi nakaaalam niyon kaya dahil doon nananatili sila sa kawalang-pananampalataya nila.
Magtiis ka, o Sugo, sa pasya ng Panginoon mo at sa hatol Niyang pambatas sapagkat tunay na ikaw ay nasa pagtingin mula sa Amin at pag-iingat. Magluwalhati ka kasabay ng pagpupuri sa Panginoon mo kapag bumangon ka mula sa pagtulog mo.
Sa bahagi ng gabi ay magluwalhati ka sa Panginoon mo at magdasal ka sa Kanya, at magdasal ng dasal sa madaling-araw sa oras ng paglubog ng mga bituin sa pamamagitan ng paglaho ng mga ito dahil sa tanglaw ng maghapon.